Huwebes, Oktubre 13, 2011

Panimula

Kamusta! Hindi ko alam kung anong oras mo to binabasa ngayon kaya naman, magandang umaga! magandang tanghali! magandang hapon! magandang gabi! O di naman kaya para masaya ka, maganda ka! Tse. Hehe.

May napapansin ba kayo sa pamagat ng blog ko? Sa totoo lang, hindi ko din talaga alam kung bakit iyan ang nilagay ko. Dalawang salitang napakahirap gawin. Ang GUMISING NG MAAGA, at MAG MOVE ON. Ano nga ba talaga ang mas mahirap gawin?

Kung iisipin, napakahirap nga naman talagang gumising ng maaga. Ang sakit sa ulo, ang sakit sa puso, kasi hindi mo matanggap na kailangan mo nang gumising bagama't ayaw pa ng katawan, isip, at mga mata mo. Wala kang magagawa, kailangan e. Pero depende naman din yun kung anong oras ka natulog nang nakaraang gabi. At dahil broken hearted ako (Oo broken hearted ako), ihalintulad natin to sa pag-ibig. Ang pag gising ng maaga ay parang sa pag-ibig ("Parang sa pag-ibig.." Alam ko gasgas na ang linya kong yan) Masakit sa ulo, kasi pag nainlove ka, hindi ka makakain, hindi ka makakatulog, wala kang ibang maiisip kung hindi SIYA. At minsan, magseselos ka, kahit wala ka namang karapatan, ang sakit sa ulo kasi hindi mo maiisip kung saan ka nga ba lulugar. Masakit sa puso, lalo na kapag di ka minamahal ng taong mahal mo sa paraang gusto mo, kapag hindi mo nakukuha yung tanging taong nagpapasaya sayo, kasi may ibang nagpapasaya sakanya. Meron namang iba, na nasa isang relasyon, na siya na lang ang nagmamahal, na iisa nalang ang nagbibigay, kasi hindi na masaya yung isa sa piling niya, kaya naman kahit ayaw niya, kahit labag sa loob niya, pinakakawalan nalang niya yung isa dahil alam niya sa sarili niya na hindi na to masaya sa piling niya. Yun nga, kailangan e.  Pero yun nga sabi nila, sa pag gising ng maaga, depende naman ang hirap nun kung anong oras ka natulog kinagabihan. Kung maaga ka naman natulog, hindi magiging masyadong mahirap gawin ito, pero kung sobra sobrang pagpupuyat ang ginawa mo, aba! talagang mahihirapan ka. Parang sa love, depende kung gaano ka nagmahal. Kung hindi ka naman masyadong nagmahal, magiging madali lang ito sayo, pero kung sobra sobra naman ang iyong binigay, yung tipong pati puso't kaluluwa mo (Siyaks, ang baduy!), aba eh talagang magsusuicide ka na niyan. Laslas ka na, parekoy.

MOVE ON? Dalawang salita lang, pero napakaraming proseso. Kailan nga ba naging madali ang pag momove on? Sinong hangal ang nagsasabing madaling mag move on? Kung madali kang nakapagmove one, hindi ka tunay na nagmahal. (Paumanhin sa mga tumututol, pero wala kayong magagawa, blog ko ito, kuha niyo? Hehe.) Base sa aking sariling karanasan, ako ngayon ay nasa proseso ng pag momove on. Sa totoo lang, napakaweirdo kasi, kahit kailan hindi naman naging kami, pero kailangan kong mag move on. Saklap no? Alam ko namang hindi niya kasalanan na nagustuhan ko siya, at wala siyang intensyong saktan ako, kasalanan ko naman ang lahat. Alam ko yun, at choice ko naman din. Gaga ko no? Hehe. Pero diba, hindi mo naman mamahalin ang isang tao kung hindi naman niya ipapakita na siya ang karapat dapat na mahalin mo? Hirap kasi kapag may ginagawa siya na para sakanya wala lang, pero sayo napakaraming kahulugan. Assuming ang tawag don, hindi ba? Nga pala, pag momove on ang pinaguusapan natin dito diba? Sabi nga nila, pag nag move on ka daw, dapat handa kang bitiwan lahat ng kung anong meron koneksyon dun sa taong dahilan kung bakit mo ito ginagawa. Putulin mo ang lahat ng bagay na maaaring makapag paalala sayo tungkol sakanya, kumbaga, parang kay Rapunzel, hindi ba napakataas ng tower kung saan siya nakatira? At ang tanging paraan para makapunta ka dun ay kung ilaladlad niya ang buhok niya at aakyat ka dun. Sa tingin mo, makakaakyat ka kaya sa taas kung puputulin mo ang buhok niya? Hindi na diba? Maliban nalang kung makulit yang pwet mo at gagawa ka ng ibang paraan para makaakyat. May sense diba? Pero sana nga ganun kadali yun e, pwede mong guntingin lahat ng ugnayang meron kayo, pero hindi eh. Ang hirap mag move on pag araw araw mo siyang nakikita, araw araw mo siyang kasama, at wala kang choice kasi ganun e. Ang hirap kasi nakikita mo siyang masaya siya kasama ang iba, samantalang ikaw, pinapatay ka ng selos mo, nasasabi mo sa sarili mo na sana ikaw yung kasama niya, naiingit ka na sana masaya din siya ULI pag ikaw ang kasama niya. Ang hirap mag kunware na wala lang sayo, kahit sa kaloob looban ng bituka mo, ang sakit sakit na. Pero sabi nga nila, hindi ka makakapag move on, kung patuloy mong babalikan ang nakaraan. Pano mo namang hindi babalikan, kung andiyan lang siya sa paligid mo at nakikita mo? Ang hirap diba? Tama na nga. Haha. Issue. Hehe.

Oh ngayon, ano sa palagay niyo ang mas mahirap gawin, ang gumising ng maaga, o ang mag move on?

7 komento:

  1. Inspiring.. lol :)) Grabe. Kahit papano may pinanghugutan rin ako nung binasa ko to. HAHA. Make another one! Blog about me! HAHAHA :* LABYUU

    Mag-move on ka nlng :D

    TumugonBurahin
  2. I can relate! Mas madaling gumising ng umaga. Hahahaha! Gawan mo ko blog! More blogs please :D

    TumugonBurahin
  3. Nice one :) May bukol nko sa ulo, tinamaan mo ko e. LOL. Sa kabilang ulo naman para pantay! More blog please! :*

    TumugonBurahin
  4. hai grabe dai pahirap toh ahh! nakakalurkey ka! ang drama mo! pero ok lang yan i feel your pain...haha maganda naman ang blog mo parang ako joke! ahmm may point ka din naman! PERO PARA SAKIN MAS MAHIRAP TALAGA ANG PAGMOMOVE ON! kasi naman ang paggising ng maaga makakaget over ka na dun pagkatapos ng ilang hours or isang buong araw E YUNG PAGMOMOVE ON!? JUSKO 100 YEARS PA ATA BAGO MAGAWA! nakakaloka sakit sa ulo at sa puso..

    TumugonBurahin
  5. Ansaveh naman ng blog mo, Reena. Move on? Hay. Probably one of the hardest thing to do. Pero it also depends on your willingness to forget that person and you motivation in doing so. And isa din yan sa problem ng mga babae eh, simple actions lang pero parang dictionary ang utak, ang dami agad meanings. Hay. Pero hindi maiiwasan, love mo nga eh :"> Pero mas mapapadali yan kung isshare mo. Isang buwan lang tayong hindi nagkita tapos broken ka na? </3 Share it kasi, dear. As for pagising ng maaga, yan ang MAHIRAP pero dahil sembreak na, hindi na yan problema. Dun na lang tayo sa pagmomove on. Yan na lang ang focuse natin ngayon. And I believe kakayanin mo yan for as long as you know where to stand. Aja Reena!

    TumugonBurahin