Sabado, Oktubre 15, 2011

Laging nasa huli ang pagsisisi.

Hindi ba, may mga panahon na nakakagawa tayo ng mga bagay bagay na hindi natin lubos na pinagisipan, yun bang sige lang ng sige. Kunware, may nabasa kang joke at natawa ka, at agad agad mong inistatus sa fb mo, akala mo kasi matatawa din ang lahat at ililike nila at sasabihan ka nila na "wow, ang benta ha", "Grabe, nakakatawa naman yan!", "Ang joker mo!" "Ayos dre!" Pero nung pinost mo na, wala namang pumansin. Refresh ka ng refresh feeling mo nagloloko lang ang fb,pero ang totoo, wala lang talagang pumansin kasi korny naman. Napahiya ka tuloy sa sarili mo. Hindi mo kasi pinagisipang mabuti, copy paste ka kagad akala mo naman talaga. Isipin mo na hindi lahat ng maganda sayo, maganda din sa paningin ng iba. Katulad ni Aling Dionisia, maganda siya sa mata ng Diyos, pero satin hindi. Anyway, Oh tapos nilike mo nalang para kahit papaano may nag like. Sinong mukhang kawawa? Para mas magmukha kang kawawa, lubusin mo na, magcomment ka na din, "Hahaha nakakatawa naman ako." Oh diba, nagsisi ka bigla.  So ano ba talaga ang point ko dito? Na panget si Aling Dionisia? Siyempre hindi. (Hindi sa hindi dahil pangit si aling Dionisia, kudi hindi dahil hindi yun ang point ko.) Ang point ko lang naman talaga dito ay, laging nasa huli ang pagsisisi.

Nasa huli ang pagsisisi, naniniwala ba kayo diyan? Siyempre, nasa huli talaga yan, alangan namang mauna yan, alangan naman magsisi ka muna bago mo gawin yung bagay, diba?

Pero bakit nga ba yan ang topic ko ngayon para sa post ko na to? Alam niyo kasi, ngayong araw na to kasi nirelease ang grade namin via internet (Cool no? Oo ganyan kami sa UST, ganyan sana tayo sa buong bansa. Ansabe ni binay?) Sa kasamaang palad, yung iba hindi pa nila nakikita yung kanila dahil hanggang ngayon, down parin daw ang myuste portal. Kawawa naman sila, no? Pero mas kawawa parin yung mga nakakuha ng  tres, ng inc., at syempre ng singko. Pero may mas kakawawa pa ba sakanila? Meron, yung mga taong sinalanta ng bagyo. Pero may mas kakawawa pa ba sakanila? Meron padin, syempre yung mga taong emo, yung mga taong heart broken. (*Ehem, ehem.) So ayun na nga, nakita ko na yung grade ko. At ineexpect ko naman na magiging ganun yun, na hindi siya mataas. Hindi rin naman kasi ako nag-aral, so bakit ako mag eexpect ng mataas diba? Kapal naman ng mukha ko nun?  Pero isa lang talaga ang pumasok sa isip ko nun, na sana nag-aral nalang ako ng maigi, ng mas mabuti. Nagsisisi talaga ako. Sana, hindi na lang ako nag facebook, twitter, y8, miniclip, redtube (JOKE), at tumblr nun at nag review nalang sana ako, sana nakinig nalang ako kay ma'am torres kesa tumunganga (mas pinili ko pang tumunganga kesa makinig eh no?), sana ginawa ko nalang yung assignment, sana minahal nalang din niya ako (JOKE.) Ang daming "Sana", pero wala eh, tapos na, nangyari na eh, at ang magagawa na lang natin e, ang magsisi. Ewan ko ba, pero ayoko talaga ng grade ko ngayon, (As if namang gusto niya sakin. Si ano nga hindi ako nagustuhan, yung grade ko pa kaya?Hehe.) Pero alam niyo, isang bagay na narealize ko ngayon, eh yung grade pala, parang love. (Eto nenemen, hehe.) Sa grade kase, kung gusto mo ng magandang resulta, dapat mong paghirapan. Kailangan mong mag-aral para hindi ka bumagsak. At kapag pinabayaan mo yan, bababa talaga yan. Hindi ka pwedeng kumopya at mandaya (cheat) Kasi pag nahuli ka, aba, eh patay kang bata ka. Kung gusto mong makapasok sa DL o kaya maging 1st honor, didiskartehan mo yan. At kapag sa huli, lumabas na yan, ang grade mo, kung mataas siyempre magiging masaya ka, kung bumagsak ka, habambuhay mong pagsisisihan yan. Parang sa love, kung gusto mong maging maganda ang kalalabasan ng relasyon niyo, eh paghihirapan mo yan, paghihirapan mo na mapabuti kayo, at wala kang gagawing kalokohan na ikasisira niyo. Kailangan mong mag-aral, mag-aral kung paano mo siya mamahalin ng tama at sapat, para hindi bumagsak ang relasyon niyo. At kapag pinabayaan mo siya, at kung anong meron kayo, bababa talaga yan. Hindi ka pwedeng mangopya at tumingin sa iba, kasi pag ikaw nahuli niyan, aba hindi lang sa principal's office ang deretso mo, kundi sa freezer dahil isang malamig na puso ang sasalubong sayo. (Nakukuha niyo ba ang mga ibig kong sabihin?)  At siyempre, kung ikaw naman ay naguumpisa palang, at nanliligaw palang, at gusto mong maging 1st honor diyan sa puso niya, gagawin mo ang lahat ng diskarteng alam mo. At kapag naging maganda ang takbo ng relasyon niyo, siyempre magiging masaya ka, (Alangan naman maging malungkot ka, e naging maganda nga,abnormal ka?) At siyempre, kung hindi naging maganda at nawala siya sayo, habambuhay mong pagsisisihan yan, na kesyo sana pala hindi ko nalang ginawa yun, na sana pala, hindi ko na siya niloko, na sana pala hindi ko na siya pinagmukhang tanga, na sana pala minahal ko nalang siya ng buong puso (with all I have, with all I am, and with all I can give.) Siyaks, ang baduy na. Tama na.

Kung may pinagsisisihan ako ngayon sa buhay ko, isa na yung yun nga, na hindi ko pinag-igihan ang pag-aaral ko nitong sem na to. At isa pa, yung hindi ako yung naging tamang tao para sakanya :( Pero kung sabagay hindi ko naman choice yun, choice naman niya yun, at ni God. Siguro may inilaan na talagang iba si God para sakin at para sakanya. :) Siguro dumaan lang siguro talaga siya sa buhay ko para pasayahin ako kahit papaano, at saktan ako sa huli ng higit pa sa akala ko (joke.) Nasaktan man ako, hindi ko naman maikakaila na naging masaya parin naman ako. Kaya naman sa mga katulad kong broken hearted diyan, wag kayong mawawalan ng pag-asa, lahat tayo may nakatakdang para satin. Yung magmamahal satin ng lubos, yung hindi hahayaan na tumulo ang kahit isang patak ng luha mula sa mata natin, yung taong para talaga satin, kabiyak ng puso natin :) p.s., walang maglalaslas. (Biro lamang) Ay! isa pa palang pinagsisisihan ko, kung bakit hindi ako natutulog ng maaga, yan tuloy nagaalboroto na ang mga pimples ko, nag simula na ang Pimple power revolution sa mukha ko. Hay, ika nga nila, nasa huli talaga lagi ang pagsisisi..

Huwebes, Oktubre 13, 2011

Panimula

Kamusta! Hindi ko alam kung anong oras mo to binabasa ngayon kaya naman, magandang umaga! magandang tanghali! magandang hapon! magandang gabi! O di naman kaya para masaya ka, maganda ka! Tse. Hehe.

May napapansin ba kayo sa pamagat ng blog ko? Sa totoo lang, hindi ko din talaga alam kung bakit iyan ang nilagay ko. Dalawang salitang napakahirap gawin. Ang GUMISING NG MAAGA, at MAG MOVE ON. Ano nga ba talaga ang mas mahirap gawin?

Kung iisipin, napakahirap nga naman talagang gumising ng maaga. Ang sakit sa ulo, ang sakit sa puso, kasi hindi mo matanggap na kailangan mo nang gumising bagama't ayaw pa ng katawan, isip, at mga mata mo. Wala kang magagawa, kailangan e. Pero depende naman din yun kung anong oras ka natulog nang nakaraang gabi. At dahil broken hearted ako (Oo broken hearted ako), ihalintulad natin to sa pag-ibig. Ang pag gising ng maaga ay parang sa pag-ibig ("Parang sa pag-ibig.." Alam ko gasgas na ang linya kong yan) Masakit sa ulo, kasi pag nainlove ka, hindi ka makakain, hindi ka makakatulog, wala kang ibang maiisip kung hindi SIYA. At minsan, magseselos ka, kahit wala ka namang karapatan, ang sakit sa ulo kasi hindi mo maiisip kung saan ka nga ba lulugar. Masakit sa puso, lalo na kapag di ka minamahal ng taong mahal mo sa paraang gusto mo, kapag hindi mo nakukuha yung tanging taong nagpapasaya sayo, kasi may ibang nagpapasaya sakanya. Meron namang iba, na nasa isang relasyon, na siya na lang ang nagmamahal, na iisa nalang ang nagbibigay, kasi hindi na masaya yung isa sa piling niya, kaya naman kahit ayaw niya, kahit labag sa loob niya, pinakakawalan nalang niya yung isa dahil alam niya sa sarili niya na hindi na to masaya sa piling niya. Yun nga, kailangan e.  Pero yun nga sabi nila, sa pag gising ng maaga, depende naman ang hirap nun kung anong oras ka natulog kinagabihan. Kung maaga ka naman natulog, hindi magiging masyadong mahirap gawin ito, pero kung sobra sobrang pagpupuyat ang ginawa mo, aba! talagang mahihirapan ka. Parang sa love, depende kung gaano ka nagmahal. Kung hindi ka naman masyadong nagmahal, magiging madali lang ito sayo, pero kung sobra sobra naman ang iyong binigay, yung tipong pati puso't kaluluwa mo (Siyaks, ang baduy!), aba eh talagang magsusuicide ka na niyan. Laslas ka na, parekoy.

MOVE ON? Dalawang salita lang, pero napakaraming proseso. Kailan nga ba naging madali ang pag momove on? Sinong hangal ang nagsasabing madaling mag move on? Kung madali kang nakapagmove one, hindi ka tunay na nagmahal. (Paumanhin sa mga tumututol, pero wala kayong magagawa, blog ko ito, kuha niyo? Hehe.) Base sa aking sariling karanasan, ako ngayon ay nasa proseso ng pag momove on. Sa totoo lang, napakaweirdo kasi, kahit kailan hindi naman naging kami, pero kailangan kong mag move on. Saklap no? Alam ko namang hindi niya kasalanan na nagustuhan ko siya, at wala siyang intensyong saktan ako, kasalanan ko naman ang lahat. Alam ko yun, at choice ko naman din. Gaga ko no? Hehe. Pero diba, hindi mo naman mamahalin ang isang tao kung hindi naman niya ipapakita na siya ang karapat dapat na mahalin mo? Hirap kasi kapag may ginagawa siya na para sakanya wala lang, pero sayo napakaraming kahulugan. Assuming ang tawag don, hindi ba? Nga pala, pag momove on ang pinaguusapan natin dito diba? Sabi nga nila, pag nag move on ka daw, dapat handa kang bitiwan lahat ng kung anong meron koneksyon dun sa taong dahilan kung bakit mo ito ginagawa. Putulin mo ang lahat ng bagay na maaaring makapag paalala sayo tungkol sakanya, kumbaga, parang kay Rapunzel, hindi ba napakataas ng tower kung saan siya nakatira? At ang tanging paraan para makapunta ka dun ay kung ilaladlad niya ang buhok niya at aakyat ka dun. Sa tingin mo, makakaakyat ka kaya sa taas kung puputulin mo ang buhok niya? Hindi na diba? Maliban nalang kung makulit yang pwet mo at gagawa ka ng ibang paraan para makaakyat. May sense diba? Pero sana nga ganun kadali yun e, pwede mong guntingin lahat ng ugnayang meron kayo, pero hindi eh. Ang hirap mag move on pag araw araw mo siyang nakikita, araw araw mo siyang kasama, at wala kang choice kasi ganun e. Ang hirap kasi nakikita mo siyang masaya siya kasama ang iba, samantalang ikaw, pinapatay ka ng selos mo, nasasabi mo sa sarili mo na sana ikaw yung kasama niya, naiingit ka na sana masaya din siya ULI pag ikaw ang kasama niya. Ang hirap mag kunware na wala lang sayo, kahit sa kaloob looban ng bituka mo, ang sakit sakit na. Pero sabi nga nila, hindi ka makakapag move on, kung patuloy mong babalikan ang nakaraan. Pano mo namang hindi babalikan, kung andiyan lang siya sa paligid mo at nakikita mo? Ang hirap diba? Tama na nga. Haha. Issue. Hehe.

Oh ngayon, ano sa palagay niyo ang mas mahirap gawin, ang gumising ng maaga, o ang mag move on?